Monday, August 6, 2018

55 Anyos na Anak na may Sariling Pamilya, Inireklamo ang Ina dahil Pinabubukod na ng Sariling Bahay !




Isang anak na 55 - anyos ang may lakas loob na pumunta at humingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo para ireklamo ang ginawang pagpapalayas sa kanya ng kanyang ina. Reklamo ng anak na pinapalayas siya ng kanyang ina na 82-years-old dahil ayaw na ng ina na tumira sila sa bahay nito.

Harap-harapang kinausap naman ni idol Raffy ang mag-ina upang matulongang maayos ang kanilang relasyon. Ayon naman sa kuwento ng ina na si Salome Hamor ay balak niyang ipaayos ang taas ng kanilang compound kung saan nakatira ang kanyang anak na si Denia kasama ang pangalawang mister nito. Ang gusto ngayon ng ina ay magbukod na ng bahay ang kanyang anak kasama ang mister dahil sa gagawing konstruksyon nito sa kanyang bahay. Ngunit nangatwiran ang anak at sinabing sila naman daw ang nagpagawa ng maliit na bahay sa 2nd floor na pag-aari ni nanay Salome. 






Makikita sa video na talagang ayaw magbukod ng anak at ang daming katwiran pa ang pinagsasabi.

“Hindi naman po talaga kami naka-ano sa pagkain… Nagsasarili rin po kami. Yung tinitirahan namin doon sa taas, pinagawa din po namin yun,” saad ng anak


Dagdag sabi pa ng anak na  hindi nila kayang pagbigyan ang kagustuhan ni nanay na lumipat ng tirahan dahil maliit lang daw ang kinikita ng asawa niyang driver. 







“Wala po kaming perang pang-down or pambayad sa nangungupahan dahil hindi na ho namin kaya ngayon,” dagdag pa ng anak. 


Sa huli ay inamin ni nanay ang tunay na dahilan kung bakit gusto na niyang magbukod ang anak ng tirahan kasama ang bagong mister nito dahi ayaw ni nanay sa kanyang manugang na ito. 

“Ang gusto ko hindi na siya mag-asawa at magtulungan na lang kami doon sa tatlong anak niya (sa unang lalaki),” ika pa ni nanay. “Kasi itong asawa niya, maraming babae din yang kinakasama… Playboy, Sir!”  paliwanag ng ina






Hanggang sa dumating na sa punto na pinapipili na ang anak kung sino sa kanila ng kanyang mister at ina ang pipiliin niya.

Ayon pa kay nanay Salome ay papayag daw siyang manatili sa bahay ang anak na si Denia at ang tatlo nitong anak kung hindi kasama ang “playboy” na mister nito.  Ang tanging hiling lang ni nanay ay bumukod nalang ang anak ng sariling tirahan kung gustong makasama ng anak ang msiter nito basta ang kay nanay ay ayaw niyang makasama ang mister ng anak sa sariling bahay niya. 


Panoorin ang video:









Source: News5/Raffy Tulfo

No comments:

Post a Comment