Monday, August 6, 2018

Ito Pala ang Tunay na Pangalan ng Ilang mga Kapuso Celebrity tulad nila Ruru Madrid,Tom Rodriguez at Marami pang Iba!


Bakit nga ba ang mga celebrity ang kailangang gumagamit ng screen name? Paliwanag ng showbiz authority na si manay Lolit Solis na talagang binabago ng mga artista ang kanilang tunay na pangalan at sila'y gumamit ng screen name ay para sa "recall" o madaling tandaan at maganda sa pandinig.

Ibinahagi ng GMA News TV ang ilang mga tunay na pangalan ng mga Kapuso star.
1.  Dennis Trillo
Ang Kapuso leading man na si Dennis Trillo, Abelardo Dennis Florencio Ho ang tunay na pangalan.

 2.Tom Rodriguez
Bartolome Alberto Mott ang tunay na pangalan ng hunk Kapuso actor na si Tom Rodriguez.


3.Gina Alajar
 Regina Alatiit ang tunay na pangalan ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar.

4. Glydel Mercado
Si Flordeliza Sanchez, mas kilala sa showbiz bilang si Glydel Mercado. 


5. Ruru Madrid
Ang Kapuso star na si Ruru Madrid, Jose Ezekiel Misa Madrid ang real name. Ang Ruru na kaniyang nickname ay naisip umano ni direk Maryo J Delos Reyes na gamitin niyang screen name.

6. Kate Valdez
Ang magandang Kapuso young actress na si Kate Valdez, Keith Eliana Habala Sisante, ang tunay na pangalan.


7. Kyline Alcantara
Si Kyline Nicole Aquino Alcantara Manga, mas kilala sa showbiz bilang si Kyline Alcantara.

8.Michael V
Ang bida sa "Pepito Manaloto" na si Michael V,  Beethoven del Valle Bunagan ang tunay na pangalan.


9. Jean Garcia 
Malayo rin sa kanilang tunay na pangalan ang iba pang batikang artista tulad ni Jean Garcia na si Jessica Anne Maitim sa tunay na buhay. 

10. Diana Zubiri
Samantala, Rosemarie Joy Garcia naman ang tunay na pangalan ni Diana Zubiri.

Anong masasabi niyo?


Source: GMA News

No comments:

Post a Comment