Tuesday, August 7, 2018

Motorista na Gustong Ipasikat ang Pulis sa Social Media, Naisahan at Naturuan ng Leksyon ng Pulis!


Madalas ang mga trending post ngayon ay ang mga pino-post ng mga civilian Netizens kaugnay sa mga hindi kanais-nais na ginagawa ng mga pulis o ang iba pang empleyado sa gobyerno. Maaring ang mga post ng Netizens ay mga magagandang gawain ng mga empleyado sa gobyerno o di kaya'y mga hindi kanais-nais.

Isang trending video ang kumakalat ngayon sa social media na ibinahagi ng mismong pulis na kung saan ay sinita nito ang isang motorista na kumukuha ng video sa kanila. Nagsagawa ng checkpoint ang Taguig Police at dito'y may nasita silang motorista dahil sa dami nitong traffic violations.





Nang malaman ng pulis na kinukunan sila ng video ng motoristang ito ay tinuruan ito ng leksyon na hindi lahat na pulis ay mga abusado at pinapaliwanag ng pulis na sila ay sumusunod sa kanilang tungkulin at legal ang kanilang ginawa. Dito'y napag alaman na maraming violations ang motorista kaya mas napamahal ang kanyang multang tiket.



Naging baliktad na ang sitwasyon nang ang pulis naman ang kumukuha ng video sa motoristang gustong ipa trending ang pulis kaya naisipan din ng pulis na ito na kunan ng video ang motorsita at turuan ng leksyon.

Makikita sa video na tila nagmamakaawa na ang motorista at dito'y umiyak na. Ang pangyayaring ito ay nagsasabi na hindi lahat ng pulis ay abusado kaya huwag natin silang lahatin.






Panoorin ang video na ito:










Source: Facebook

No comments:

Post a Comment