Monday, August 6, 2018

Boyfie na Nakipagtanan sa isang 14-anyos na Dalagita ,Nalintikan!


Madalas sinasabi ng karamihan na ang pag-ibig ay mahirap pigilan. Kapag tumibok ang iyong puso sa taong minamahal mo ay mahirap itong pigilan. Pero tama nga ba ang makipag relasyon sa isang menor de edad? Masakit man sa kanilang kalooban ay kailangan na maghiwalay ang dalawang taong nag-iibigan dahil nga ang kanilang pag-iibigan ay labag sa batas.

Isang magulang ngayon ang  humingi ng saklolo kay sir Raffy Tulfo kaugnay sa kanyang babaeng anak na lumayas at ito'y nakipagtanan sa kanyang nobyo.



Ang batang ito ay nakilala sa pangalang Monica na isang 14-anyos pa lamang habang ang nobyo naman ay  18-anyos na si Erlin Sapurco. Linayasan ni Monica ang kanyang mga magulang at nakipagtanan sa pinakamamahal na nobyong si Erlin dahilan sa ikinagalit ng mga magulang ang pakikipag tanan nito.




Walang magawa ang mga magulang ni Monica para pauwiin ito sa kanilang tahanan at dito na nagpasya ang magulang na lumapit nalang sila kay Raffy Tulfo para humingi ng tulong. 

Hindi lang matanggap ng mga magulang ni Monica na baka nagalaw ito ng kanyang nobyo. Mas lalong ikinagalit naman ng ina ang chat conversation ng kanyang anak at ng nobyo nito kung saan nabasa niya ang hindi kanais-nais at maypakamalaswa na dahilan para paghinalaan nila na may nangyari nga sa dalawang ito.











Agad naman inaksyunan ni Tulfo ang problema ng mga magulang. Pinuntahan ang bahay ng nobyo at dito na nagkaharapan ang lahat.







Panoorin ang buong pangyayari:







Source: Raffy Tulfo

No comments:

Post a Comment