Ang mga magulang ay ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng mga anak. Kahit anong pagod at hirap ay tinitiis ng ating mga magulang para lang mabuhay nila ang mga anak. Pag ang ating magulang ay dumating na sa punto na talagang matanda na sila at halos pagong na kung kumilos ay dapat din naman natin silang alagaan at sila na naman ang ating bubuhayin at bibigyan ng kanilang mga pangangailangan.
Nagviral ngayon ang isang larawan ng lola na nagtitinda ng puto sa madaling araw sa kabila ng hirap na sitwasyon niyang nakakuba na kung maglakad. Kung ating pagmamasdan ang mukha ng matanda ay bakas sa itsura nito na hirap na hirap siya dahil sa nakabaluktot na ang katawan niya . Sa kabila ng sitwasyon ni lola ay masipag pa rin itong nagtitinda ng puto .
Isang netizen ang nakakita kay lola sa daan na naglalakad dala-dala ang mga paninda nitong puto.Naawa ang netizen kay lola kaya naman naisipan niyang bigyan si lola ng 100 pesos dahil naawa raw siya sa kalagayan ng matanda kaya naman minabuti niya na abutan ito ng pera.
Nang inabot ng netizen ang pera ay nagulat naman siya nang abutan siya ni lola ng tatlong balot ng puto ngunit di na niya ito tinanggap. Sinabi niya kay lola na itinda niya nalang yun sa iba pandagdag sa kita niya at yung pera at tulong na lamang niya ito sa matanda. Laking tuwa naman ni lola at pasalamat sa netizen at sinabing ipagdarasal niya ito. Labis itong ikinatuwa ng netizen na ayon sa kanya, masarap daw sa kalooban na makatulong sa matanda sa munting paraan niya.
Ito ang buong salaysay ng netizen na nakakita kay lola:
Nakasabay ko lamang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda po siya ng puto tuwing madalingaraw. Kahit na po ganyan na ang katawan nya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin nya ang dalawang apo nya na iniwan ng anak nya sa kanya 😠Grabe naiyak ako sa kuwento niyaðŸ˜ðŸ˜binigyan ko na lang ng 100 pesos at sabay bigay niya sa akin ang tatlong plastic na puto, sinabi q huwag na nay tinda mo na lang yan pandagdag sa kita nyo at pagtyagaan mo nlang yan dahil yan lang ang laman ng wallet q. Natuwa naman si nanay at ipagdadasal daw nya ako. Ang sarap ng pakiramdam na sa kunting halaga lang may napasaya kang tao. Magkikita pa rin tayo nay tuwing umaga. Salamat po sa pag share ninyo sa page ninyong Matalinong Matsing kay nanay na sana maipakalat ninyo at maabutan man lang siya ng kaunting tulong. Sana pag nakita ninyo siya sa madaling araw ay bilhin nyo na lahat ng puto ni nanay. ðŸ˜ðŸ˜
Reaksyon ng mga Netizens:
Source: The Filipino Insights
No comments:
Post a Comment