Monday, August 6, 2018

Mister at mga Anak,Nagmamakaawang Umuwi ang Kanilang Inang OFW, si Misis,Ayaw ng Balikan pa Sila!



Sa hirap ng buhay ngayon kailangan mo pang makipagsapalaran sa ibang bansa para matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Mahirap ang buhay ng isang OFW na mahiwalay sa pamilya sa mahabang panahon para mabigyan ng kunting kaginhawaan ang naiwang pamilya sa Pilipinas.

Tinitiis nila ang hirap at ang lungkot para sa pamilyang umaasa sa kanila.Pero bihira lang sa isang magulang ang piniling itakwil ang pamilya niya sa bansang iniwan.Yung tipo ang asawa't anak mo na ang gustong umuwi para makasama ay ayaw na talagang umuwi ng ina.




Ganito ang sinapit ng  kapalaran ng mag-aamang lumapit sa programa ni Raffy Tulfo kung saan ay nagawang itakwil  sila mismo ng kanilang ina.
Humingi ng tulong ang mag-aama kay Raffy Tulfo para mabuo ang kanilang pamilya subalit bigo silang makamtan ito kahit ano pang pagmamakaawa ang kanilang ginawa.
Hangad na lamang at kagustuhan ng mag-aama ay umuwi na ang kanilang ina para mabuo na sila.






Nag-mamakawa ngayon ang mga anak at si mister sa kanyang misis pero naging matigas parin ang puso nito. Maraming sinabing dahilan si misis kung bakit ayaw nitong umuwi ng Pilipinas para makapiling ang kanyang pamilya.

Ito ang dahilan ni misis kung bakit ayaw niya umuwi ay dahil marami umano silang utang na babayaran kaya naman ay nangako si mister na na gagawin niya ang lahat para mabayaran ang kanilang utang pero itong si misis ay ayaw na talagang umuwi.




Naawa na si idol Tulfo at sinabi kay Misis siya na mismo ang magbayad sa kanilang mga utang basta umuwi lang si Misis para lang mabuo ang kanilang pamilya pero ayaw parin ni misis.
Kahit anong ginawang pagmamakaawa ng kanilang anak sa kanilang ina ay bigo rin silang pauwiin ang ina.






Dito'y naramdaman na ni mister ang gustong ipahiwatig ni misis kaya naman wala silang magagawa kundi tanggapin at harapin ang lahat na mga pagsubok at labanan ang sakit na kanilang nararamdaman.






Panoorin ang video:



Reaksyon ng mga Netizens:





















Source: Raffy Tulfo

No comments:

Post a Comment