Tuesday, August 7, 2018

Awiting "Bahay Kubo" sa tono ng "Paa, Tuhod" Kinagiliwan ngayon sa Social Media!





Ano ba ang bahay kubo? Sa mga hindi pa nakakaalam,ang bahay kubo ay isang katutubong bahay na ginagamit sa Pilipinas. Ang katutubong bahay ay gawa sa kawayan na itinatali na magkasama, na may isang binigkis na bubong gamit ang dahon ng nipa/anahaw. Ito ang pambansang bahay ng Pilipinas.Ang bahay-kubo ang tinaguriang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga Espanyol.




Ang kantang bahay kubo ay madalas na kinkanta ng mga taga probinsya o kahit na sa mga kabataan ngayon. Madalas tinuturo ng atin mga magulang ang kantang ito nung tayo ay bata pa. Gaya ng mga kantang “Leron, Leron Sinta”, “Ako ay may Lubo”, “Penpen de Sarapen”, “Sirsiritsit”,paa tuhod at marami pang iba,ang mga kantang ito ang una nating natutunang kantahin at ating kinagiliwan.




Nag viral naman ngayon ang isang video na ibinahagi sa social media na kung saan ay kinagiliwan ang pagkanta ng bahay kubo ng isang lola. Kakaiba nga lang ang pagkanta ng bahay kubo na ito kung saan ay kinanta ito ni lola sa tono ng kantang "Paa,Tuhod,Balikat, Ulo".

Marami namang Netizens ang naaliw at natawa sa pagkanta ng bahay kubo sa hindi orihinal na tono nito dahil pati sila ay  nalilito na rin sa lyrics ng bahay kubo. 




Panoorin ang video na ito:





Reaksyon ng mga Netizens:









Source: Facebook/Kiel Balisi


No comments:

Post a Comment